This is my 300th entry and the longest I've ever done in several months. =)
Ang San Lazaro Hospital ang isa sa pinakatanyag at kinatatakutang rotation sa buong clerkship. Madumi. Mabaho. Sangkatutak ang pasyente. Nakakahawang sakit. May nananakawan. May nararape. Iyan ang lagi naming naririnig sa mga upper batch. Natural, matatakot ka kapag narinig mo ang mga descriptions na iyon. So the day before my rotation sa San Lazaro, takot na takot na takot na takot na ako.
UST ang laging first sa duty pagdating sa San Lazaro. Sa unang araw nila inaannounce kung sino ang 24-hr duty sa araw na iyon. Alphabetical ang hati. That day, natatakot ako na baka alphabetical nga, pero sa dulo ang simula ng duty. Luckily, walang topak ang secretary that time, hindi ako nagduty that day. Siyempre takot pa din ako. Hindi pa ako nakakapag-insert ng IV sa buhay na tao. Sa dummy lang kami nagpractice dati. Hindi pa din ako nakapaglagay ng NGT tube, ng Foley Cath. Hindi pa din ako nakakapag-venipuncture sa live subject. I'm scared.
UST San Lazaro Group July 1-8, 2009So there I was, sitting inside the room, waiting for the orientation to finish so that malalaman ko na ang aking duty. First day I was assigned sa adolescent ward. First and foremost, ang San Lazaro Hospital ay divided sa iba't-ibang pavillion. Ang Pavillion 2 and 8 which is the 4th fl. ay for pediatric patients. Sa 2 nilalagay ang mga batang nagkasakit dahil sa vectors (like dengue, leptospirosis, tetanus). Sa 8 naman nakalagay ang mga patients na hindi vector-borne ang sakit like diarrhea, pneumonia, etc.
Ang Pavillion 3 and 6 naman ang nasa 3rd floor. Adolescent ward ang 3. Dito nakapirmi ang mga pasyente na may edad 12 hangang 18 yrs. and 364 days old. Sa Pavillion 7 naman ang mga Philhealth patients. Ang Pavillion 4 and 6 naman ang nasa 2nd floor ng gusali. Nandirito ang mga Adult patients. Hiniwalay ang mga lalake sa babae. Sa Pavillion 4 ang mga babae habang sa 6 naman ang mga lalake.
Sa ground floor matatagpuan ang out patient department, emergency room, laboratories and offices. Nakaseparate naman ang Pavillion X, Bahay Lingap, H1N1 area at HL4. Out of the 4, sa Pavillion X lang kami may rotation. Dito nakalagay ang mga pasyente na may malubhang TB. Sa Bahay Lingap at HL4 naman ang HIV patients, depende sa condition nila. Bawal kami pumunta doon dahil mandate daw ng school namin iyon. Kung ako ang tatanungin, gusto ko sana may rotation doon. Bakit? Well, gusto ko makita yung mga cases na hindi mo naman makikita lagi. Sabi nga sa med school, patients are the best teachers in the world. Hindi mapapalitan ng mga libro ang mga actual patients. Paano kung may pumuntang pasyente sa akin in the future na may ganoong condition, paano ko agad maaalala na iyon pala yung sakit niya kung during training e hindi naman ako naexpose sa ganoon.
All smiles on my first day at San LazaroAnyway, so 1st day ko, sa adolescent ward ako na-assign. Ok naman, pagtapak namin sa 3rd floor, binati kami agad ng nurse on duty ng "..good morning doc, kayo duty dito today? Eto yung mga eextractan...", sabay abot ng isang box na punong-puno ng request at test tubes. Mga 40+ siguro yung laman nung box na iyon. Buti 4 kami that time, so we divided it equally among us. Unang extraction ko, nanginginig pa ang mga kamay ko. Siyempre poker face lang. May mga moments na namimiss ko ang vein, lalo sa sa mga patients na medyo horizontally challenged o kaya talagang walang visible na ugat. Pinagagana ko na lang ang aking imagination based sa previous course ko in anatomy. Kapag hindi ko pa rin nagawa, refer to co-clerk. Kapag hindi pa din namin magawa, refer to nurse or resident on duty, pero siyempre we try our best to get it at first try, alam naman naming masakit ang bawat tusok ng karayom e. At the end of the day, feeling ko pro na ako sa venipuncture.
Charting, one of our duties sa hospital. Rubi showing us how to do it properly.
2nd day ko, sa adult ward ako na-assign. As usual, puro skills kami, IV insertions, blood extractions at NGT placement. Unang NGT or nasogastric tube placement ko e sa isang TB meningitis patient na uncooperative. Since hindi siya nagfofollow ng commands, I had to think of a way on how to make the patient swallow para pumasok ng dire-direcho ang NGT. Solution? Water. I asked my co-clerk to place a few drops of water sa mouth ng pt. just enough to stimulate her to swallow. Few drops lang naman, hindi pwedeng madami at baka mag-aspirate. It worked naman. I was kinda apprehensive to try it at first kasi siyempre, sa UST laging assist lang kami or observe. At that moment I was doing the procedure on my own. After successfully placing the tube, I was beaming from ear to ear. Feeling ko doctor na ako. Hehe.
Rabies Isolation Room. Each floor has one of these. Scary no? Wala kaming rabies patients during our entire stay at San Lazaro. Walang ganito sa UST. Wala din atang ganito sa St. Lukes at Medical City.
3rd day I was assigned sa TB Ward. The dreaded Pavillion X. Actually, all the bad publicity ng San Lazaro stems from the fact na may narape na student doon years ago. UST Med student daw, assigned sa TB ward sa gabi, narape ng patient. Iyon ang kuwento. Totoo naman daw according to the consultants pero years back na iyon. Now, naassign ang mga girls doon pero hanggang day duty lang. Kapag gabi, laging lalake ang nakadestino doon. So kapag ikaw lang ang kaisa-isang lalake sa grupo niyo kapag night duty, huwag ka ng umasang malalagay ka pa sa adult or pedia or adolescent ward. Pavillion X ka na automatically.
Necessary na nakamask ka kapag nasa wards, especially Pavillion X. During lunchbreaks lang kami nagtatanggal ng mask while in the premises of the hospital. This was shot during one of those rare occassions hehe.Unang araw ko sa Pavillion X, nakadouble ordinary mask ako coupled with an N95 mask. Ganoon ako kaparanoid. At the end of the day, I realized na useless din ito dahil sa dami ng active TB patients na pinauuwi namin at hindi inaadmit, you'll never know who among the people you meet in the street ang may active TB. Doon ko lang nalaman na mga may active TB lang at naghihingalo ang napapasok sa ward na iyon. Hindi porket aktibo ang sakit mo sa baga e automatically pasok ka na. Since libre naman ang gamot ng TB, ang mga hindi nangangailangan ng oxygen mask at medical supervision ay hindi inaadmit. Siguro more than 20 patients ang tinurndown namin from being admitted kasi pwede naman silang gamutin sa kani-kanilang bahay.
Ang Pavillion X ay may certain smell. Hindi ko madescribe, of all the things na hindi maayos sa Pavillion 10, ang smell ng lugar ang hindi ko maintindihan. Parang decaying matter na hindi ko maexplain ang amoy doon. May area na madidilim din kaya nakakatakot sa gabi. Iniisip ko lang na ganoon, hindi ko talaga alam kung paano sa TB ward sa gabi, dahil awa ng diyos, hindi ako na-aassign doon in my two days of night duty sa San Lazaro. Maybe effective ang 'The Secret', o kaya yung mga dasal ko. Hehehe.
Sa lahat ng ward, Pavillion X lang din ang nakikipagunahan sa pedia ng may pinakamadaming pasyente. Parang minuminuto may pasyenteng dadating para maiadmit. Dito mo din makikita kung gaano ka kulang sa facilities ang ospital. Tatluhan sa isang kama. Minsan kapag sinuswerte ka at may nadischarge, magiging dalawa na lang kayo sharing the same bed. Imagine yourself being sick and sharing the same bed with another sick person. Di ba diyahe? E yung patients doon wala namang choice.
4th day duty ako. Sa umaga TB ward ako. Pagdating ng lunch time, sa Pedia ward ako nilagay. Good luck sa akin. I hate sick kids. I hated them even more after that night. I think being a kid is the stupidest stage in a person's evolution into an adult. Bakit? Simple. Let's take IV insertion as an example. In an adult or adolsecent, kapag lalagyan mo ng IV iyan, iiyak, uungol, titingin sa side o kaya magwiwince in pain. Pero, hindi nila igagalaw ang kamay para hindi madislodge ang needle at hindi na maulit ang insertion, kasi nga masakit. Sa mga babies at bata, once tusukin mo, iiyak, uungol, titingin sa side, magwiwince in pain at, eto, iwawagayway ang arms. Nakakainis. Ang hirap pa naman makahanap ng ugat sa bata! Ang liliit nila and pwerless, pero kapag IV insertions, kailangan ng sangdamakmak na nursing aides para lang mahawakan sila ng mabuti at malagyan ng IV.
Ang hindi ko pa matake sa bata e yung kanilang pag-iyak. Parang walang ceiling volume ang mga ito. Palakas ng palakas. Para bang ito ang special powers nila para maward off ang mga tutusok sa kanila.
I remember my duty that night, talagang pagod na pagod ako. Hindi lang ako duty sa pedia, pati ER ako din. Pinagambulance pa kami ng isang pasyente para pumunta sa kabilang ospital para sa isang procedure. Sa 4th floor mga lampas 100 ang pasyente ko. Mag-isa akong clerk at isa din lang ang residente ko. sa 4 na kuwarto sa Pavillion 2 pa lang 60 plus na ang pasyente, 3 sa bawat kama. Ok lang naman siguro iyon, mga bata, wala pang arte sa katawan. Usually friends pa sila ng bedmate nila. Yung 2 ngang babae doon, pareho ng hairstyle kinaumagahan nung chincek ko sila. Hehe.
Tinie, Tere and I with some of our co-clerks from SLU (Baguio) and Fatima (Valenzuela)
Noong gabing iyon, ER din ako. Pinababa ako dahil ang daming pasyente sa ER, hindi kaya ng isa. On call ako that time sa pedia. Sa ER ko narealize na madami pa lang nakakagat ng ahas sa Manila. I mean, you'd think na sa probinsiya madaming ahas, pagdating sa city wala masyado unless nag-aalaga ka ng ahas. Pero, wow, as in mga 10 ata yung inadmit namin for 24-hr observation dahil sa snake bite. Most of them naglalakad sa kalsada ng matapakan nila yung ahas at kinagat sila. Madami ding pumupunta sa ER, duguan dahil kinagat ng aso. Meron ding kigata ng pusa at, well, daga.
Most of those na inadmit namin e mga dengue patients. Yung tipong nilagnat ng ilang araw tapos gumaling tapos biglang dinugo ang ilong o kaya sumakit ang tiyan at nagsuka, tapos mababa ang platelet. Meron ding nasa medyo delikadong stage ng dengue, yung may skin rashes tapos dinudugo ang ilong at gilagid.
5th day ko, from duty status, pedia pa din ako. Noong umaga, kinunan ko ng vital signs on my own ang lahat ng dengue patients ko. Pagkatapos, pagod na pagod na ako. 12 nn ang uwian and since dumating na ang mga kasama ko ng 9 am, tumunganga na lang ako. Pagdating ng 12 nn, umuwi lang ako para magbihis at umalis para manood ng Ice Age at Transformers with MH. Guess what happened. Tulog ako sa Ice Age. Tulog din ako sa Transformers. Hehehe. Enjoy pa din naman kahit ganoon, huwag lang ako tatanungin kung anong nangyari sa Ice Age dahil hindi ko talaga alam.
6th day sa Pedia pa din ako. Morning greeting namin e isang code. Tetanus patient. Declared dead after 20 minutes of CPR. I guess, one thing that contributed to it was the fact na wala kaming maayos na ambubag sa floor na iyon. Wala din defibrillator. Government hospital talaga ang dating, kung hindi sira, kulang sa gamit. May tatlong ambubag ang pedia ward, niiisa walang gumagana. Wala ding mahiraman sa ibang floor dahil, well, sira din sila. Ang kaisa-isang defibrillator na nakita ko sa ospital e yung nasa ER. Pero kahit iyon, hindi ko ever nakitang ginamit. Kahit may nagcode sa ER when I was there, hindi siya ever ginamit. Hindi ko alam kung hindi lang marunong gumamit iyong mga nandoon o kaya'y talagang sira lang siya. I'd like to think of the latter na lang. Minsan, naisip ko, sana may maospital na government official doon, tapos maadmit, at magcode, para marealize niya na sana noong healthy siya e naalala niyang lagyan ng maayos na gamit ang public hospital. Oh well, impossibleng may maospital na government official doon, dahil may pera naman sila para pumunta sa private hospital.
Anyway, 7th day ko was spent sa ER. Benign. As in hindi siya tulad ng ER duty sa gabi na tipong palengke sa dami ng pasyente. Since bukas ang OPD walang mga pumupunta sa ER ng umaga unless for admission. So there, sittting pretty kami. Share share sa pasyente kapag may dumating unlike kapag night duty share share ang mga pasyente sa nag-iisang clerk. Hehe.
8th and last day sa San Lazaro, I was assigned sa OPD. Patients galore. Ang pinakanagstick sa akin e yung dalawang magkapatid na nag-aaway ng biglang kagatin sila pareho ng alagang aso. Yung babae sa mukha kinagat, yung lalake sa arms. I think mas kumampi yung aso sa guy kasi yung sa babae mas grabe yung kagat niya e. When I first saw them akala ko e mag-asawa sila. Iyon pala magkapatid. Hehe.
That night I was assigned again sa ER. This time 2 kaming clerk. Pero kahit ganoon, umulan pa din ng pasyente. E nagkataong may sakit pa ang kasama ko sa duty. May times na natutulog siya habang nakaupo ng walang back rest. O di ba? May skill ang lola mo. I remember doc calling waking her up while we were putting IV on a kid na sobrang lakas. Kami pa ang nahiya kung gigisingin siya or not. In the end, we woke her up kasi, grabe, ang lakas pumiglas nung bata. Gusto ko na ngang i-body slam at dagan para lang tumahimik at maghold still ng malagyan na ng IV e hehehe.
The most challenging patient na lagyan ng IV arrived sa ER that night of all nights. 28 year old, cerebral palsy patient na mentally retarded at may diarrhea. Sobrang dehydrated niya kaya we opted to admit the patient. Noong lalagyan na ng IV, ginapos namin siya sa wheelchair, with matching hawak sa dalawang kamay, tig-isa kami ng aide. Pagtusok pa lang ng needle, ayun, kinalmot niya kami with his killer fingernails. Nasugat kami ni kuya at siyempre nadislodge ang needle. 2nd try, napaghandaan na namin ang kanyang naghahabaang kuko, at successfully namin siyang nalagyan ng IV. On the way up, nakagapos pa din siya. Pagdating sa adult ward, nagpumiglas ang patient, and out of the blue, nakawala sa pagkakagapos. Guess what he did. He pulled the IV from his hand. Ganoon siya kalakas. Blood spurted out of the wound, and hindi ako ready that time. Wala akong dalang cotton to apply to the area. Napatakbo pa ako sa nurse station to get one. By the time I went back, ayon, basa na ng dugo ang arm ng patient.
We were able to IV him again that night. This time, hinga na namin sa sa kama, nakagapos na ng mahigpit. We placed the IV in a way na babaliin muna niya ang arms niya bago niya ito mahatak. Hopefully, in place pa din siya as of this writing.
My last night at San Lazaro was kinda bittersweet. I realized na I enjoyed my stay there and I learned a lot. Ngayon addict na ako sa IV insertion at venipuncture. Pagbalik ko nga sa UST, parang vampire ako in lust for blood. I kept on looking at people's hands and arms looking for blood vessels, admiring those na magandang saksakan ng needle and wishing those who don't get admitted. Dito sa UST, interns ang gumagawa ng insertion sa, siguro mga internship pa bago ako makapagkabit ulit.
I also miss the 8 am call time and the 4 pm uwian on regular days. Back to 7 am na naman kami dito sa UST. Tapos 5 pm ang uwian kung walang errands. Hindi naman nasusunod ito palagi. Namimiss ko din yung mga residents na hindi kami sinisigawan at trinatrato kami bilang colleagues. Namimiss ko yung feeling na pag-uwi mo, pagod ka pero alam mong may importante kang ginawa that day unlike dito, halos uulanin ka sa paperwork, paperwork and more paperwork. Pag-uwi mo pagod ka, pero hindi ka naman masaya dahil sa buong araw mo sa hospital nagrun ka lang ng errands, nasabon ng residente at gumawa ng paperwork again. Hindi ko naman nilalahat ang mga residents. Madami din namang mga mababait na nagtuturo sa amin, pero siyempre, nagstick pa din sa akin yung mga bad experience ko dito sa UST.
Right now, enjoy naman sa ENT. Light ang work. Nakakapanibago pero masaya naman. In the mababaw side of things, may aircon kami dito. Hehe. Naappreciate ko ang importance ng aircon after coming from San Lazaro. Ang sarap magwork sa malamig at well ventialted area hehe. Hindi malagkit ang feeling.
I guess it'll take some time bago ko maget over ang San Lazaro experience. Naweweirdohan nga sa amin ang mga naunang grupo sa amin na dumaan na sa San Lazaro. Kami lang daw ang bumalik sa UST ng masaya at namimiss yung lugar. I went there with the idea na hindi ko siya magugustuhan but I came home with the thought of going back there in the future.
The expression on Tinie's face says it all: We miss San Lazaro!