Natatakot lang akong matambakan ng make-ups. Hindi pa naman ako nagpacheck-up sa health service. I need a medical certificate para maging excused absence ito, pero naman, nanghihina na nga ako, eeffort pa akong pumunta ng UST?! Bahala na, gamitan ko na lang ng charms hahaha.
Ang boring pala ng life kung wala kang ginagawa bigla. I mean, araw-araw akong nasa hospital. Bawat hakbang na gawin ko may purpose: pumunta sa pasyente, mag-run ng labs, mag-code. Ngayong may sakit ako at nasa bahay, biglang wala. Bedridden. Natutulog lang ako. Kung hindi naman e nakahiga lang. Umaalis lang ako ng kama para mag-CR o kumain o ka'y magpabili ng pagkain. Nalulunod na ako sa tubig at pineapple juice. Gusto kong magkape, hindi naman pwede. Kanina, naglaro na lang ako ng Nintendo DS. Hindi kasi ako makatulog. Kung kailan naman makakatulog ako, tatawag ang mga kaklase ko sa ospital, magtatanong about my patient.
Heto, ngayon, nagresearch ako about H1N1. Wala lang. Sa dami ng mga taong nagpupunta sa ospital compainging of fever, etc. baka mamaya kasi meron na ako nito. According to my research, parang regular flu lang naman pala ang H1N1. Bedrest and proper hydration lang ang kailangan. Hopefully this thing I got is not H1N1. Baka masama ako sa statistics e hehehe.
-0-
Anyway, I've been talking with MH about Virgin Labfest. It looks like I will be able to watch the plays from June 23-27. Hindi na ako sa surgery that time. Legal Med na. Good thing about it is that wala silang night duty. Hopefully matuloy kami. May student discount pa kaya this year? Hehe. Since student pa dina ko, regardles of age, I'll buy the student tickets kung meron.


5 comments:
I'm praying that you get well soon. Looking forward to watching Virgin Labfest with you. Hugs.
hala ka baka h1n1 na yan LOL!
pagaling ka nalang,u know the drill hehe.
We met someone last time, med from UST. 3rd year din. ARC ang name.. la lang, :D
naku pagaling ka. just dropping a note :) http://tunaynaveyklas.blogspot.com
Hala. lahat na may sakit. Is it possible na mahawa ng flu through blogs haha
Please help me with my twitter dilemma
Post a Comment